Pasaway na driver sa Naga City nabawasan- LTO Chief

NAGA CITY – Bumaba ang bilang ng mga pasaway na driver sa Naga City dahil sa matagumpay na mga One Time Bigtime na isinasagawa sa lungsod ng mga  personahe ng Naga City Police Office (NCPO) , Public Safety Office (PSO) at ng Land Transportation Office (LTO), ayon kay LTO Naga Chief Grace Rojas.

Sa kanyang pahayag sa Brigada News FM Naga, sinabi ni Rojas na magandang palatandaan ito na nadidisiplina na ang mga driver ng mga pumapasadang jeepney, ng pribadong sasakyan at maging ng mga single motorcycle, lalo na iyong mga dumaan sa kanilang Theoretical Driving Course at seminar.

Umaasa ang opisyal na sana tuloy-tuloy na ang magandang performance ng mga driver para kahit papano iwas ang mga ito sa violation at sa penalidad kasama na ang multa dahil sa paglabag sa traffic laws.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *