7 bagong kaso, 45 recoveries at 1 pagkasawi sa COVID-19, naitala sa Bicol kahapon

BNFM BICOL—Nakapagtala ng pitong mga bagong kaso ng COVID-19 ang Bicol region kahapon, araw ng Linggo.

Batay sa ulat ng Department of Health-Bicol, ang mga bagong naitalang kaso ng sakit ay pawang nagmula sa lalawigan ng Camarines Sur kung saan tag-tatlong kaso ang Naga City at bayan ng Tinambac habang isa naman ang mula sa Canaman.

Read More:  Davao City plans 20 new buses, digital tracking system

Bunsod nito, nairehistro kahapon ang 1,919 na aktibong kaso ng sakit mula sa kabuuang 59,009 na mga kumpirmadong kaso.

Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan

Samantala, nasa 45 naman ang naidagdag sa bilang ng mga gumaling, daan upang umabot sa 54,816 ang bilang ng recoveries habang isa naman ang naidagdag sa mga nasawi kung kaya’t sa kabuuan ay 2,274 na ang COVID-19 death toll sa Bicol.###