Mahigit 400 college students sa Catanduanes, qualified sa financial assistance na ipapamahagi ng provincial government

BNFM BICOL—Inanunsiyo ng pamahalaang panlalawigan ng Catanduanes na nasa 478 na mga college student sa islang probinsya ang nag qualify para maging benepisyaryo ng College Education Financial Assistance Program o (CEFAP).

Sa naturang bilang, 247 sa mga ito ang mga estudyanteng mula sa Catanduanes State University; 148 ang mula sa Christian Polytechnic Institute of Catanduanes habang 83 naman ang mga mag-aaral sa Catanduanes Colleges.

Read More:  Dumanjug Mayor’s driver’s license suspended for 90 days after viral crash in Cebu

Ang mga CEFAP grantees na nasa ilalim ng ‘stipend assistance’ ay tatanggap ng P10,000, P4,000 naman para sa mga nasa Higher Education Institutions habang P2,000 naman ang financial assistance para sa mga mag-aaral na nasa State Universities and Colleges o SUC.

Read More:  4-year-old boy dies, two other minors survive drowning incident in Lapu-Lapu City

Kapalit ng naturang financial assistance mula sa pamahalaan ang ilang mga kondisyon at patakaran na dapat sundin ng mga benepisyaryo.

Ilan sa mga ito ang pagpapanatili ng at least 2.5 na General Weighted Average, hindi pagkakaroon ng anumang behavioral misconduct sa paaralan habang required naman ang mga itong mag participate o makiisa sa mga programang ilulunsad ng provincial government.###