Pinaghahandaan na ng Philippine National Police ang pagdagsa ng mga turista ngayong summer season kasabay na rin mga holiday sa Semana Santa at pagluwag ng restriskyon.
Ito ay sa pamamagitan ng paglulunsad ng Ligtas Sumvac 2022 campaign bilang bahagi ng pagpapatupad ng seguridad sa mga tourist destination.
Kasunod ito ng pagbubukas ng mas marami pang pasyalan sa bansa matapos ang dalawang taon na pagpapatupad ng mahigpit na restriksyon dahil sa pandemya.
Inatasan na ni PNP Chief Gen. Dionardo Carlos ang mga police station sa bansa na makipag-ugnayan sa mga community based-volunteers at force multipliers na i-dedeploy sa iba’t ibang lugar.
Kinakailangan rin ang mga tourist police para mayroong agad na tutugon kapag may mga reklamo at dapat ay regular na inspeksyunin ang mga dinarayong pasyalan.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO
