60 sibilyan, 12 sundalong Amerikano patay sa kambal na pagsabog sa Kabul airport

Patay ang tinatayang nasa 60 sibilyan at 12 sundalong Amerikano habang marami ang sugatan sa magkasunod na pagsabog sa perimeter ng Kabul airport sa Afghanistan.

Ayon sa pahayag ng ilang testigo, maraming tao ang nag-aabang sa labas ng gate ng paliparan nang mangyari ang pagsabog.

Read More:  Several Florida polling precincts moved due to heavy rain and flooding

Kinumpirma ng ilang US officials na base sa kanilang natanggap na report, nagkaroon pa ng mga putok ng baril pagkatapos ng pagsabog.

Sinisisi ng US officials ang Islamic State sa pinakabagong pag-atake na nagresulta sa itinuturing na pinakamaraming sundalong Amerikanong napatay sa loob ng isang araw.

Read More:  Ebola death toll in Congo surpasses 5,000 amid widening outbreak

Agad namang nagpahayag ng pagkondena at babala si US President Joe Biden na hindi nila mapapatawad ang mga suspect na nasa likod ng panibagong pag-atake.

Base naman sa ilang video na lumabas, nagkalat sa mga kanal sa bakod ng Kabul airport ang mga bangkay ng mga biktima.