BNFM BICOL— Anim na mga bagong kaso ng COVID-19 ang naitala sa islang lalawigan ng Catanduanes kahapon batay sa inilabas na report ng Department of Health-Bicol.
Tatlo sa mga bagong naitalang kaso ang mula sa bayan ng Virac, dalawa sa Gigmoto habang isa naman sa bayan ng Pandan.
Bunsod nito, umabot na sa kabuuang 2,754 ang kumpirmadong kaso ng sakit sa lalawigan kung saan 48 sa mga ito ang nananatiling aktibong kaso.
Naiulat naman nitong Martes ang walong bagong mga gumaling kung kaya’t umakyat na sa 2,587 ang COVID-19 recoveries sa Catanduanes habang wala namang naitalang bagong pagkasawi kung kaya’t nanatili sa 123 ang fatalities sa isla.
Kaugnay nito, nagpapatuloy naman ang vaccination roll out sa iba’t-ibang panig ng lalawigan para sa layuning maabot ang herd immunity.
Kahapon araw ng Martes, naging puspusan ang isinagawang pagbabakuna sa barangay Timbaan at barangay Carangag sa bayan ng San Andres sa pangunguna ng PHO vaccination team, gayundin sa municipal plaza sa bayan ng San Miguel.###