Isinalang sa random drug testing ang pitumput limang mga driver ng Public Utility Vehicles sa Olongapo City kahapon.
Ang mga ito ay mula sa mga nagmamaneho ng pampublikong jeepney at ng bus.
Ayon kay LTO Region 3 Transportation Regulation Officer Kristofferson Canlas, mula sa nasabing bilang ay apat ang nagpositibo sa inisyal na drug testing.
Isasailalim naman sa confirmatory test ang apat na nagpositibo para malaman kung talagang gumagamit ng ipinagbabawal na droga o hindi ang mga ito at inaasahang ngayong araw ay lalabas ang resulta.
Samantala, kapag napatunayan umanong gumagamit ng iligal na droga ang isang driver ay masususpendi ang lisensya at kailangang sumailalim sa anim na buwang rehabilitasyon.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO
