PNP isinasapinal ang rekomendasyonG cops psycho exam

Inihayag ni PNP chief Gen. Guillermo Eleazar isinasapinal na ng Philippine National Police (PNP) Health Service ang mga rekomendasyon kaugnay sa pagsasagawa ng psychiatric at psychological exam sa lahat ng mga pulis.

Ito ay matapos ang sunod-sunod na insidente ng pagpatay at pamamaril na kinasasangkutan ng ilang pulis.

Ayon kay Eleazar, ang naturang mga insidente ay nagpapakita na kailangang mahigpit na imonitor ang kabuaong kondisyon ng mga pulis.

Giit ng PNP chief, hindi nagtatapos sa kung paano nila ginagawa ang kanilang trabaho, kunsi kasama rin ang pagtingin sa kanilang physical, emotional at lalo na ang kanilang mental state.

Matatandaan na ang bagong insidente na kinasasangkutan ng pulis ay ang walang habas na nagpaputok ng baril ni Police Executive Master Sgt. Reynante Dipasupil sa MPD headquarters noong gabi ng Biyernes, dahil sa kalasingan.

Maliban sa isang pulis na namatay at isang sugatan, binawian rin ng buhay si Dipasupil. // MHEL PACIA-TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *