6 bayan sa Camarines Norte kabilang sa nabigyan ng allocation for COVID response sa ilalim ng KALAHI-CIDSS

CAMARINES NORTE- Naglaan ng halagang P571 million ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa 37 bayan sa buong Bicol region para sa COVID response.

Ang Kapit-Bisig Laban sa Kahirapan – Comprehensive and Integrated Delivery of Social Services (DSWD KALAHI-CIDSS) ay naglaan ng naturang halaga ng pera para sa community-based projects bilang bahagi ng recovery efforts dahil sa epekto ng COVID- 19 pandemic.

Read More:  Fetus found dead inside restroom of inn in General Santos City

Ang additional Financing – Community-Based Response for COVID-19 ay iimplement sa  mga bayan ng Paracale, San Lorenzo Ruiz, San Vicente, Talisay at Vinzons.

Ayon kay Regional Director Leo Quintilla, ang pag- identify sa mga bayan ay base sa poverty incidence, income class at bilang ng mga barangay na labis na naapektuhan ng mga kalamidad simula 2014- 2020.

Read More:  Soldiers trek 25 kilometers carrying school chairs for Indigenous students in Davao del Norte

Sumailalim din umano ang mga bayang nabanggit sa capacity assessment para masigurong handa ang mga Local Government Units na makilahok sa implementasyon ng proyekto ngayong taon.