CAMARINES NORTE – Umaabot na sa 42, 516 ang mga nakapagpagperehistro para sa step 2 registration ng Philippine Identification System o PhilSys sa lalawigan ng Camarines Norte mula nang simulan ito noong June 7.
Batay ito sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA) hanggang nitong June 26, 2021 at patuloy na nadadagdagan dahil sa on- going registration.
Hinimok naman ng PSA ang mga naka- enroll sa step 1 registration sa priority barangays na makipag ugnayan sa mga opisyal ng barangay para sa kanilang schedule.
Mababatid na ang prioridad na magpaparehistro para sa Step 2 ay ang mga naka- enroll sa isinagawang Step 1 registration noong January 18 hanggang April 30, 2021.
Ang mga ito ay binigyan ng Appointment Slips at nakalagay na rin dito ang Appointment Reference Number (ARN) at QR code na gagamitin sa validation ng appointment.
Bago magtungo sa mga nakatalagang Registration Centers sa kada bayan ay ipapaalam muna sa bawat pre- registered individuals ang kanilang appointment date at oras sa pamamagitan ng text message na ipiprisenta sa registration center.

