Mas maluwag na quarantine, at swab rules para sa vaccinated travelers, magsisimula na bukas

Simula bukas ay magsisimula na ang mandatory quarantine period sa loob ng pitong araw sa isang government-accredited facility na ire-require para sa lahat ng mga Pilipino na nabakunahan na kontra COVID-19 dito sa Pilipinas.

Dadaan ang lahat ng mga Pilipino sa pitong araw na quarantine kahit pa ano ang kanilang naging travel history o kahit pa manggagaling ang mga ito sa “green” o low-risk countries.

Ayon sa Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) ay dadaan ang lahat ng paparating na indibidwal na kwalipikado sa seven-day quarantine rule na sumailalim sa reverse transcription-polymerase chain reaction (RT-PCR) tests sa ika-limang araw ng quarantine.

Read More:  Tulfo says leadership change needed to restore Senate dignity

Sinabi ng IATF na magsisilbi bilang unang araw ang petsa ng kanilang arrival sa Pilipinas.

Makikita ang nasabing kautusan sa IATF Resolution 123-C na napirmahan noong Lunes, kung saan ay maglalaan ito ng “green lanes” para sa mga fully vaccinated individuals na bumabyahe sa Pilipinas/

Samantala, required naman sa ilalim ng kautusan ng IATF para sa mga unvaccinated travelers, o sa mga hindi pa nakakakumpleto ng kanilang doses na sumailalim sa 14-day mandatory quarantine.

Read More:  Zubiri apologizes to Inday Badiday’s family

Naatasan na rin ng task force ang Bureau of Quarantine na tiyakin ang istriktong symptom monitoring sa pasilidad sa loob ng pitong araw.

Oras na makumpleto ng mga byahero ang kanilang seven-day quarantine period, ay required naman ang mga ito na i-monitor ang kanilang mga sarili para sa anuman sintomas sa susunod na pitong araw.

Sakaling negatibo naman ang resulta ng RT-PCR test, ay kailangan lamang ng indibidwal na kumpletuhin ang seven-day quarantine, habang kung positibo naman ay kailangan ng mga ito na sumunod sa prescribed isolation protocols.