55 websites, ipinasara ng US Justice Dept dahil sa illegal live streaming sa FIFA World Cup

Limampu’t limang websites ang ipinasara ng US Justice Department dahil sa illegal live-streaming ng mga laban mula sa FIFA World Cup sa Qatar.

Sa pahayag ng departamento, ang mga website ay isinara matapos matukoy ng isang kinatawan ng FIFA ang mga sites na ginagamit nang walang pahintulot ng soccer world governing body.

Ang FIFA ay may exclusive rights n sa World Cup, na umabot na sa semi-final stage.

Hindi tinukoy ng Justice Department ang pangalan ng mga ipinasarang websites ngunit sinabing ang mga bibisita sa mga sites na ito ay ire-redirect sa ibang site para sa karagdagang impormasyon.//CA