PNP, magsisimula nang magpatupad ng full alert para sa Christmas season sa Dec. 15

Isasailalim na ang mga kapulisan sa full alert simula sa December 15, bago ang holiday rush, kung saan inaasahan ang pagdagsa ng mga tao sa malls, party venues, parks, at Simbahan.

Ayon kay Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Rodolfo Azurin Jr. ang pagsasailalim sa buong pwersa ng mga kapulisan ay tugma rin para sa pagsisimula ng “Simbang Gabi” para mapataas ang police visibility sa palibot ng mga Simbahan.

Read More:  LTFRB reviewing measures amid looming fuel price increase

Dagdag ni Azurin, na nasa 85-percent ang deployment ng police force, kung saan 192,000 ng mga pulis ang ipapakalat para magpatrolya sa mga public spaces.

Read More:  Political vlogger Mimaa Alicia killed in Caloocan shooting

Kaugnay nito, isasagawa ng PNP national headquarters ang mas maagang Christmas party para bigyang daan ang mga personnel na ipagdiwang ang holidays bago ang pagpapatupad ng full alert.

Samantala, sinabi ng PNP chief na hindi bubusalan ng pulisya ang kanilang mga service firearms ngayong taon. //MHEL PACIA