5 huli sa magkahiwalay na drug operation sa Polomolok, SoCot

KORONADAL CITY — LIMA katao ang aresto ng mga otoridad sa serye ng drug operation sa bayan ng Polomolok, South Cotabato.

Isinagawa ang unang buy-bust operation alas 2:31 ng hapon kahapon sa Kaunlaran Subdivision, Barangay Poblacion ng bayan kung saan nahuli ang isang Den Marc Mina, alias “Obed”, 33-anyos residente ng Purok Manatad ng nabangggit na barangay kung saan nakuhaan ito ng isang sachet ng pinaniniwalaang shabu at P500 na buy-bust money.

Arestado din alas 3:00 ng hapon kahapon sa Purok Faustino Javier, Barangay Poblacion ng bayan si Raymund Cris Espulgar, alias “bem-Bem”, 33 anyos, at residente ng Muñes Subdivision ng nabanggit na barangay kun saan nakuhaan din ito ng isang sachet ng pinaniniwalaang shabu, P500 na buy-bust money at isang motorsiklo.

Read More:  HBONI, DOST push science-based development in Himamaylan IP community

Kalaboso din si Myrene Mingoy, alias “may-May”, 33 anyos sa buy-bust operation, bandang alas-7:00 kagabi sa Purok Sagrado, Barangay Poblacion ng bayan kung saan nakuhaan din ito ng isang sachet ng pinaniniwalaang shabu at P500 na buy-bust money.

Habang isang entrapment operation din ang ikinasa alas 9:36 kagabi sa Purok Alojado, Barangay Poblacion kung saan nahuli ang dalawang suspek na sina Rovy Daluz, alias “Love-Love”, 30-anyos ng Purok Sto.Niño Barangay Poblacion, at Randy Grupo, Alias “boyet”, 42 anyos, na residente naman ng Purok Alojado, Barangay Poblacion ng nasabing bayan.
Nakuha sa pag-iingat ng mga ito ang tig-isang sachet ng pinaniniwalaang shabu, kasama na ang P500 na buy-bust money.

Read More:  8 goats found dead with bite marks in Antique

Sa ngayon ay nakakulong na ang limang suspek sa custodial facility ng Polomolok PNP at nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso.