COVID-19 cases sa Bicol sumampa na sa mahigit 43k matapos magtala ng 299 na bagong kaso

BICOL—Pumalo na sa 43,115 ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Bicol region matapos magtala ng 299 na bagong kaso.

110 nito ay mula sa Camarines Sur kung saan 39 ang naitala sa Naga City, 20 sa Magarao, 12 sa Sagñay, walo sa Iriga City, tig-apat ang Camaligan at Pili, tigtatlo ang Bula at Milaor, tigdadalawa ang Baao, Libmanan, Ragay at San Fernando at tig-iisa ang Balatan, Bato, Buhi, Calabanga, Canaman, Nabua, San Jose, Sipocot at Siruma.

89 ang bagong kaso sa Albay kung saan 21 nito ay mula sa Camalig, tig-13 ang Daraga at Legazpi City, sampo sa Tabaco City, siyam sa Ligao City, anim sa Guinobatan, lima sa Malinao, tigtatlo ang Polangui at Santo Domingo, tigdalawa ang Oas at Rapu-Rapu at tig-isa ang Malilipot at Tiwi.

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

43 ang bagong kaso sa Catanduanes kung saan siyam nito ay mula sa San Andres, walo sa Virac, pito sa Caramoran, anim sa Bato, tigtatlo ang Gigmoto at Pandan, tigdadalawa ang Bagamanoc, San Miguel at Viga at isa sa Baras.

Ang Sorsogon ay nagtala ng 39 na bagong kaso kung saan 11 nito ay mula sa Sorsogon City, tiglima ang Gubat at Pilar, apat sa Casiguran, tatlo sa Castilla, tigdadalawa ang Barcelona, Irosin, Juban at Santa Magdalena at tig-iisa ang Bulan, Bulusan at Prieto Diaz.

Sampo ang bagong kaso sa Camarines Norte kung saan apat nito ay mula sa Paracale, tatlo sa Daet, dalawa sa Talisay at isa sa Basud.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Pitong kaso ang nadagdag sa Masbate kung saan lima nito ay mula sa Claveria at tig-isa ang Cataingan at Uson habang may isa namang nagpositibo na nagmula sa labas ng Bicol.

Samantala, pumalo na sa 29,125 ang total recoveries matapos magtala ng 338 an mga bagong gumaling kung saan 103 nito ay mula sa Camarines Norte, 98 sa Naga City, 60 sa Camarines Sur, 47 sa Catanduanes, at 30 sa Sorsogon.

Sumampa na rin sa 1,334 ang death toll matapos madagdagan ng 11 panibagong nasawi kung saan anim nito ay mula sa Sorsogon at lima sa Camarines Sur.

Kaugnay nito ay patuloy ang paalala ng Department of Health (DOH) Bicol sa mga Bicolano na sundin ang BIDA Solusyon plus sa COVID-19 para sa Serbisyong Salud Bikolnon.### || slm