KORONADAL CITY- MAGLALAGAY ng Police Visibility Assistance Center ang Koronadal City PNP sa lahat ng mga strategic areas sa lungsod.
Ito ang kinumpirma ni PLt.Col. Joedy Lito Guisinga, hepe ng Koronadal City PNP sa panayam ng 95.7 Brigada News FM Koronadal matapos ang mga nangyayaring pamamaril nitong buwan.
Ayon kay Guisinga, magsasagawa sila ng clustering sa mga barangay kasama ang BPATS upang matigil ang mga krimen na nangyayari. Nagsasagawa rin umano ng security education ang kanilang opisina para sa mga operasyon.
Kaugnay nito, hinihiling ni Guisinga ang publiko na may mga commercial establishments na maglagay ng CCTV cameras bilang parte ng technological security upang mapabilis ang crime investigation.
