Probe sa war on drugs ng Pangulo, magtitiyak sa katotohanan at accountability – ICC prosecutor

Naniniwala si International Criminal Court (ICC) prosecutor Karim Khan na maisisiwalat ang katotohanan at matitiyak ang accountability sa mga tao na sangkot sa human rights abuses sa gagawing drug war probe.

Sa isang pahayag na inilabas sa ICC website ay sinabi ni Khan na didipende ang kaniyang opisina sa kooperasyon ng states, civil societies, at iba pang partners nito sa buong mundo.

Read More:  Transport groups seek ₱2 fare increase, warn of nationwide strike

Nangako si Khan na sisikapin nilang maging matagumpay, independent at impartial ang imbestigasyon.

Read More:  Senate court targets VP Sara confidential funds issue before August

Sa kabila naman ng sinabi ng Malacañang na wala itong balak na makipag-cooperate sa drug war probe, ay sinabi ni Khan na handa silang makipag-usap sa mga otoridad ng Pilipinas para sa imbestigasyon.