4 tripulanteng Pinoy sa Houthi-hit ship, nakauwi na

Nakabalik na sa bansa ang apat na tripulanteng Pilipino mula sa isang barko na inatake ng mga rebeldeng Houthi sa Red Sea noong nakaraang buwan, ayon sa Department of Migrant Workers (DMW) kahapon.

Read More:  Marcos names Rodil Zalameda as new Supreme Court chief justice

Sila ang ikalawang batch ng 21 Pinoy na pinauwi matapos salakayin ng mga rebeldeng Houthi ang kanilang barko habang binabagtas ang Red Sea noong Oktubre 1.

Read More:  Philippine debt hits record ₱19.66 trillion in September

Samantala, tatanggap naman ang mga tripulante ng tulong mula sa DMW at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) at sasailalim din sa psychiatric evaluation.