143 Pinoys sa UAE nabigyan ng pardon

Inanunsyo ni Pangulong Bongbong Marcos na binigyan ng pardon ang nasa 143 mga Pilipino na nahaharap sa iba’t ibang kaso sa United Arab Emirates.

Ayon sa Pangulo, nagkusap sila ni UAE President Sheikh Mohamed bin Zayed kung saan niya ipinaabot ang labis na pasasalamat para sa bagay na ito.

Read More:  14 countries stand behind Philippines on landmark South China Sea arbitral ruling

Sinabi pa ng Pangulo, na ang pardon ay nagbigay ng kaluwagan sa dibdib para sa pamilya ng mga nasabing Pilipino.

Bukod dito, pinasalamatan din niya ang UAE President sa humanitarian aid na ipinagkaloob niya sa Pilipinas sa mga nagdaang bagyo at bahang naranasan sa bansa.

Read More:  Ateneo holds 40th-day memorial mass for Baterbonia and Adili

Binigyang-diin din ng Pangulo na ikinalulugod niya na marinig mula sa Pangulo ng UAE na patuloy na nangingibabaw ang galing ng mga Pinoy sa nasabing bansa at nagbibigay ng positibong kontibusyon sa kanila.

Umaasa naman ang Pangulo sa mas malakas pang partnership ng Pilipinas at UAE sa susunod pang mga taon.