Sen.Bato – walang problema sa PNP investigation sa pasabog ni Garma

Ibinahagi ni dating Philippine National Police, Chief, Senador Ronald Bato Dela Rosa na ayos lang sa kanya na imbestigahan ni PNP, Chief, Gen. Rommel Marbil ang katotohanan sa likod ng mga alegasyon ni retired police official Royina Garma.

Read More:  Tarriela condemns Chinese media’s ‘monkey’ video allegedly depicting the Philippines

Anya, bilang si Marbil naman ang nakaupong hepe ngayon at humahawak ng isyu ay karapatan nitong magsagawa ng sarili nitong fact-finding investigation.

Maalala, sa nabanggit na alegasyon, sinasabing mayroong reward system sa mga kapulisan sa naging ‘war on drugs’ sa panahon ni dating pangulong Rodrigo Duterte.

Read More:  TDC highlights education system issues following death of grade 4 student in Cavite

Ito ay bagay na pinabulaanan ni Dela Rosa at maging ni Senador Christopher ‘Bong’ Go.

Ayon pa kay Go, handa siyang maghain ng resolusyon para imbestigahan din ito sa Senado ang kung kailanganin.