4 patay sa dengue sa So.Cot

KORONADAL CITY – ALARMING na ang kaso ng dengue sa lalawigan ng South Cotabato. Ito ang inihayag ni Jose Barroquillo, mosquito-borne disease program coordinator ng Integrated Provincial Health Office o IPHO matapos na umabot na sa 1,035 ang dengue cases sa lalawigan mula Enero 1 hanggang Marso 30 ngayong taon na mas mataas ng 114% kumpara sa katulad na panahon noong 2023.

Ayon kay Barroquillo, apat sa mga ito ang binawian ng buhay na residente ng Tantangan, Koronadal City, Polomolok at Lake Sebu. May pinakamaraming dengue cases ang Koronadal City na umabot sa 196. Natukoy naman bilang dengue hot spot areas ang Barangay Cabuling ng Banga, Barangay Zone IV ng Koronadal, at Barangay Dajay at Libertad ng Surallah dahil sa tuloy-tuloy na pagtaas ng kaso sa loob ng isang linggo.

Dahil dito, umapela si Barroquillo ng kooperasyon ng mga mamamayan at mga barangay officials sa pagpapatupad ng mga programa kontra dengue upang maiwasan ang outbreak.

Kabilang sa mga ito ang 5-S strategy o Search and destroy, Seek early consultation, Self-protection measure, Support fogging sa mga lugar na may clustering ng dengue cases at Stay hydrated.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *