NAGA CITY – Muling Tiniyak ng mga barangay opisyal ng Naga City na may sapat na gamot at vitamins ang kanilang mga barangay health center para sa mga senior citizens ngayon sobra ang init ng panahon, lalo na ang maintenance medicine ng mga ito para sa hypertension o pagtataas ng blood pressure at iba pang mga sakit na epekto ng mainit na temperatura.
Sa mga centers makikita ang mga lolo at lola na nakapila para magpa check-up at humingi ng gamot at kung hindi naman available, nireresetahan ang mga ito para makabili sa mga botika.
Ayon naman kay Liga President Corazon Penaflor, lagi naman silang may inilaan na sapat na pondo o budget para sa mga pangangailangan ng sektor na ito, sakaling wala silang makuha sa City Health office, kanya-kanya anya silang purchased ng mga gamot.