Umano’y supporter ng Conception Gang, sumuko sa Libon

LEGAZPI CITY – Sumuko sa mga otoridad ang isang 23 anyos na construction worker na kinilalang si alyas “Joey” na umano’y supporter ng Conception Criminal Gang sa Brgy. Libtong, Libon, Albay.

Ayon kay Libon PNP Chief of Police, PCapt. Victor Borjal, ito ay residente ng Zone 5 ng nasabing barangay at kasalukuyang naninirahan sa La Trinidad, Baguio City, at inaming siya ay supporter ng grupo at nais nitong linisin ang kanyang pangalan sa barangay at pulisya.

Ni-recruit lamang umano ito ng isang kasamahan ni Gilbert Conception upang maging look out sa barangay at utusan lamang ng grupo.

Sinabi pa ng opisyal, handa itong makipagtulungan sa pagsugpo sa mga iligal na aktibidad at mahuli ang mga natitirang miyembro ng Conception at napag-alaman din na wala pa itong warrant of arrest sa korte.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *