Patay ang apat na inmates na nakabarilan ng mga bantay ng Liangga District Jail sa Surigao del Sur sa gitna ng tangkang pagtakas ng mga bilanggo.
Sa inisyal na report ng Bureau of Jail Management ang Penology, ay sinabi nito na naghahanda ng almusal para sa inmates ang mga jail personnel , nang i-hostage ng 11 bilanggo ang isa sa mga empelyado ng district jail.
Dagdag ng BJMP, nagnakaw pa umano ng mga armas ang mga bilanggo.
Ipinunto ni BJMP spokesman Jail Chief Inspector Xavier Solda na nagawa pa ng naka-duty sa secondary gate na mag-warning shot.

Gayunman, na-overpower anya ang nasabing bantay dahil sa dami ng mga sumugod sa kaniya at bilis ng pangyayari.
Kalaunan ay nakadaan ang inmates sa ikalawang gate kung saan ay nakasagupa nito ang iba pang jail guards.
Nasaktan anya ang isa sa mga gwardya matapos itong masaksak gamit ang isang improvised bladed weapon.
Tumagal ng walong minuto ang sagupaan na nagresulta sa pagkamatay ng walong inmates.
Hindi pa inilalabas ng BJMP ang pangalan ng mga nasawi, habang sinabi ni Solda na naka red alert ngayon ang BJMP Caraga Region.