Daet Doctors Hospital hindi muna tumatanggap ng pasyente maliban sa emergency cases

CAMARINES NORTE- Inanunsiyo ng Daet Doctors Hospital Incorporated na hindi muna ito tumatanggap ng pasyente simula noong Biyernes, September 4 hanggang October 1.

Sa isang pahayag sinabi ng pamunuan ng ospital na sa ngayon ay limitado muna sa emergency cases ang tatanggapin upang bigyang daan ang disinfection sa premise nito.

Read More:  Grade 9 student found with suspected ₱204K shabu in Bacolod school

Suspendido muna pansamantala ang pagtanggap ng elective cases until further notice.

Hinihikayat naman na makipag ugnayan na muna sa emergency department sa pamamagitan ng pagtawag sa Emergency Room hotline na 09777436882 para sa emergency cases for admission.

Read More:  Rider killed in suspected riding-in-tandem attack in Cebu

Samantala, nanatiling nasa high risk ang healthcare utilization rate sa lalawigan.

Kahapon naitala ang 75 na bagong kaso ng COVID- 19 sa lalawigan na pinakamataas simula ng tumama ang pandemya.

Wala ring bagong gumaling sa sakit ang naiulat.