4 na komite sa Kamara magsasagawa ng special hearing kaugnay sa usapin ng oil price hike

Nakatakdang magsagawa ng special hearing ang apat na komite Kamara upang pag-usapan ang mga paraan upang miabsan ang epekto ng pagtaas ng presyo ng gasolina.

Sinabi ni House ways and means committee chairman Albay Rep. Joey Salceda na ang pagpupulong ay isasagawa ng kanyang panel gayundin ng mga committee on economic affairs; energy; at transportation.

Read More:  Angel Locsin criticizes Padilla following his admission that he is a communist

Inilahad ni Salceda na itinakda ang pagpupulong sa Marso 7, kung saan ilan sa mga paksa ay ang epekto sa ekonomiya ng krisis sa gasolina, epekto sa inflation, epekto sa presyo ng kalakalan at mga bilihin, at epekto sa agrikultura.

Bukod dito, sinabi ng mambabatas na tatalakayin din sa pulong ang epekto sa supply at demand, sektor ng transportasyon, at mga paraan ng pasulong sa excise tax ng gasolina at iba pang buwis.

Read More:  Padilla renews death penalty call after MC taxi rider killing

Samantala, tiniyak naman ni Salceda na ang pansamantalang pagsususpinde ng fuel excise tax ay nasa mesa pa rin at isasaalang-alang sa mga pagdinig.