Ukraine President dismayado sa NATO matapos i-ruleout ang pagpapatupad ng no-fly zone

Kinondena ni Ukraine President Volodymyr Zelensky ang desisyon ng NATO na i-ruleout ang pagpapatupad ng no-fly zone sa kanilang bansa.

Sinabi ni Zelensky na dahil dito, naniniwala siyang nangangamba ang NATO countries na posibleng maudyukan ang Russia na ibaling sa NATO ang pagsalakay kapag kumilos ang mga ito.

Read More:  PH Embassy in Pretoria advises Filipinos to avoid Ebola-affected areas

Inihayag ng NATO na wala sa option ng kanilang alyansa sa ngayon ang no-fly zone sa Ukriane

Una kasi nito ay inihayag ni US Secretary of State Anthony Blinken na ang pagpapatupad ng no fly zone sa Ukraine ng US at ng NATO allies ay posibleng magdulot ng full-fledged war sa Europa.

Read More:  PH Embassy in Pretoria advises Filipinos to avoid Ebola-affected areas

Sinabi ni Blinken na tuloy naman ang pagtulong ng Washington sa Ukrain sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga kailangan nito para maidepensa ang sarili mula sa Russian aggression.

Samantala, sinabi naman ni European Council President Charles Michel na ipinauubaya nila sa NATO ang pagpapatupad ng no-fly zone sa Ukraine.