4 na katao huli sa buy-bust operation sa bayan ng Guinobatan, Albay

LEGAZPI CITY – Huli ang apat na katao sa isinagawang buy-bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Albay sa Purok 5, Basud, Brgy. San Rafael bayan ng Guinobatan, Albay.

Kinilala ang mga suspek na sina Rolly Nosares Odo, 42-anyos, karpentero; Romeo Nuyles Nosares, 42-anyos, musikero; at si Randy Francisco Onguda, 39-anyos, tricycle driver na pawang mga residente ng nasabing barangay, at si Elmer Onan Bagangan, 50 anyos, isang empty carton collector, residente ng Brgy. Ilawod ng kaparehong bayan.

Read More:  Davao City plans 20 new buses, digital tracking system

Ayon sa report, nagsagawa ng anti-ilegal drug operation na pinangunahan ng PDEA Catanduanes PO kasabay ang PDEA, Albay PPO, PDEA RO V Regional Special Enforcement Team at Guinobatan MPS laban sa mga nasabing suspetsyado.

Kumagat sa pain ang isa sa mga suspek matapos nitong pagbentahan ng pinaniniwalaang shabu sa halagang P3,500.

Nang magkapalitan na ng nasabing item, dito na hinuli ang mga suspek matapos magpakilala na ang kanilang katransaksyon ay isang PDEA agent.

Read More:  Two die after minivan crashes into house in Cebu

Narekober sa kanila ang suspected shabu na may timbang na humigit kumulang sa 15 gramo o nagkakahalagang P102K at iba pang non-drug items.

Ayon pa dito, matagal nang mino-monitor at na-validate ng mga tauhan ng PDEA kung saan ginagawang drug den ang lugar ng mga suspek

Ang mga suspek ay pansamantalang dadalhin muna sa PDEA Bicol para sa kaukulang disposisyon.