LEGAZPI CITY – Kumonsulta ang International Organization for Migration (IOM) sa Provincial Government ng Albay kung paano nagagawang pangasiwaan ng LGU ang local IOM sa mga tuntunin ng pagbibigay ng mahahalagang serbisyong panlipunan sa mga internally displaced persons (IDPs).
Dumalo ang mga pangunahing department heads ng Pamahalaang Panlalawigan sa Migration Governance Indicators (MGI) sa isang hotel sa lunsod ng Legazpi para sa pakikipagdayalogo sa migration.
Layunin ng aktibidad ay para magbahagi ng mga karaniwang hamon at tukuyin ang mga potensyal na solusyon sa mga problema na kinakaharap ng lokal na gobyerno.
Ayon kay Yuko Tomita, IOM Philippines Program Manager ito ang kauna-unahang MGI na isinagawa sa rehiyon (Asia-Pacific) na kung saan napili ang Albay sa aktibidad dahil sa kagalingan na ipinapakita nito pagdating sa International Organization for Migration.