Inutos ng Manila City govenrment ang pansamantalang pagpapasara sa mga pampubliko at pibradong mga sementeryo at kolombaryo sa lungsod mula October 29 hanggang November 3 ngayong taon.
Sa isang pahayag ay sinabi ng Manila Public Information Office na pinirmahan ni Mayor Isko Moreno ang Executive Order No. 33, na nagbabawal ng mga bisita sa Manila North Cemetery, Manila South Cemetery, at Manila Muslim Cemetery sa gitna ng Undas dahil sa COVID-19 pandemic.

Inihayag ng lokal na pamahalaan na tanging interment at cremation services ang papayagan para sa non-COVID-19 cases para sa nasabing panahon, basta’t masusunod ang minimum public health standards.
Mababasa rin sa kautusan na pwedeng mauwi sa revocation ng business at Mayor’s permit ang paglabag sa EO.