30K health workers sa lalawigan target na makatatanggap ng booster doses – DOH Sorsogon

SORSOGON CITY – Umarangkada na ang pagbabakuna ng Covid-19 booster shots sa mga health workers sa lalawigan.

Ayon sa head ng ahensya na si Dr Gladys Escote, tututukan muna nila ang mga medical front liners dahil puspusan na ang trabaho ng mga ito para sa ramp up vaccination kaugnay sa ipinalabas na bagong Executive Order ng Provincial Government.

Target na mabigyan ng booster shots ang 30K na health workers sa lalawigan upang mapataas ang kanilang immune response laban sa nasabing virus.

Read More:  Kabankalan MSMEs prove their mettle at Negros Trade showcase

Ang booster vaccination ay nasimulan matapos gawaran ng emergency use authorization (EUA) ang ilang vaccine brand para gamitin bilang booster jab at  kasama ang health workers sa A1 priority group. 

Sa inilabas na pahayag ng Department of Health (DOH), inirekomenda nito ang Moderna, Pfizer, at Sinovac bilang booster shots anuman ang brand na tinanggap sa una at ikalawang doses.

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

Iniaalok din ng DOH ang Sinovac para naman sa mga fully vaccinated health workers na nakatanggap ng Sinovac.

Matatandaang una nang inihayag ng gobyerno na tanging ang healthcare workers, immunocompromised, at matatanda ang unang makakakuha ng booster shots dahil sila ang nasa risk ng hawaan.

Sa kasulukuyan, 25% ng target population sa lalawigan ay fully vaccinated na o katumbas ng 160K na Sorsoganon.