3 natitirang Pinoy seafarers na bihag ng Iranian Forces, pinalaya na

Naka-uwi na sa bansa matapos palayain ng Iranian Authorities ang tatlong natirang Filipino seafarers na sakay ng MSC Aries.

Ito ang inanunsyo ni Department of Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac sa Saturday News Forum kaninang umaga.

Read More:  PAGASA warns of danger-level heat index in 16 areas

Anya, nitong Huwebes pa naka balik sa bansa ang mga naturang marino.

Maaalalang binihag ng Iranian Revolutionary Guard ang sinasakyan nilang barko na MSC Aries habang bumabyahe sa may bahagi ng Strait of Hormuz noong April 13.

Read More:  8 Cebu PUV personnel test positive in surprise drug test

Sa 25 sakay na tripulante ng MSC Aries, apat dito ang mga Pilipino, kung saan una nang napauwi noong Mayo ang isa pang Pinoy.