Rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo – namumuro sa susunod na linggo

GOOD NEWS sa mga MOTORISTA dahil tapyas-presyo na naman ang aasahang paggalaw sa oil prices sa susunod na linggo.

Sa pagtataya ng oil industry sources, maglalaro sa P0.20 hanggang P0.40 ang ibabawas sa kada litro ng diesel.

Read More:  Rescued Philippine Eagle Sawaga-Dalwangan dies during rehabilitation

Mayroon namang P0.10 hanggang P0.30 na iro-rollback sa kada litro ng gasolina; habang P0.40 hanggang P0.60 ang price cut sa kada litro ng kerosene.

Read More:  Political vlogger Mimaa Alicia killed in Caloocan shooting

Araw ng Lunes, ia-anunsyo ang opisyal na price adjustment; habang magiging epektibo ito sa araw ng Martes.

Ito na ang ika-apat na linggong rollback sa diesel at kerosene; habang ikalawang lingog naman para sa gasolina.