3 lalawigan sa Bicol, target na madrug-cleared bago matapos ang 2022

LEGAZPI CITY – Umaasa ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na magagawa nila na madrug cleared ang tatlong lalawigan sa Bicol Region bago magtapos ang taon 2022.

Ayon kay PDEA Regional Director Atty Gil Pabilona, naniniwala silang magagawa nila ito dahil hindi gaano kalakihan ang bilang ng drug affected barangay sa rehiyon.

Kasama sa mga lalawigan na posibleng maideklarang drug cleared ang Sorsogon, Masbate at Catanduanes.

Read More:  ₱5.3M suspected substandard laptops seized in Cebu City

Nilinaw rin nito na, para maideklara na drug free and drug cleared barangay, kailangan maipasa o maisumite ang mga requirements tulad pagkakaroon ng Balay Silangan; nakapagtapos sa intervention programs at iba pa.

Aniya, hindi nakasama ang Camarines Norte, Albay, at Camarines Sur sa kanilang target dahil sa malalaki umano ang nasasangkot sa ilegal na droga o kaya naman may mga syudad na kailangan tutukan ang kampanya sa ilegal na droga.

Read More:  2 killed, 1 hurt in Tagum City pedicab shooting

Sa kabilang dako, kinumpirma ng Pdea Bicol na wala naman silang namomonitor na drug laboratory o pagawaan ng ilegal na droga sa Bicol Region.

Ayon pa kay Atty. Pabilona, wala rin silang reports na Narcopolitics na sangkot sa droga.

Tanging nakiita nila ang mayroon umano na sangkot sa droga ay ilang mga barangay officials.