Pinaghahandaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga hakbang para sa pagre-retiro nito bilang isang ‘private citizen’.
Sa pahayag, sinabi ni Senador Bong Go, inumpisahan na ni Duterte na maghakot at magligpit ng mga gamit pauwi sa kanilang bahay sa Davao City.
Ayon sa malapit na kaibigan ni Duterte at dating special assistant nito na si Go, mananatili ang outgoing president sa Davao City para makapiling ang kanyang pamilya.
Aniya, personal umano siyang nalulungkot sa pagtatapos ng termino ni Duterte ngunit kumpyansa siyang naibigay ng outgoing administration ang lahat ng makakaya nito.
Mabuti na rin daw ito para makapagpahinga na si Duterte.
Matatandaaang nakatakdang bumaba sa Palasyo si Duterte sa tanghali ng June 30 matapos ang panunumpa ni President-elect Bongbong Marcos.
#