Opposition lawmaker, tiniyak na magkakaroon pa rin ng malakas na boses sa Kamara ang minorya

Tiniyak ni Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas na mananatili pa ring independent at malakas ang boses ng minorya ng Kamara.

Ito ay sa gitna ng pagdomina ng mga ka-alyado ng administrasyon sa papasok na 19th Congress.

Read More:  DSWD assures readiness during Habagat season

Matapos kasi ang ilang dekada, ngayon lang higit na nabawasan ang mga miyembro ng Makabayan Bloc sa Kamara.

Sa isang panayam, sinabi ni Brosas na bagamat wala silang suportang matatanggap sa karamihan ng mga mambabatas – magiging consistent pa rin ang kanilang boses para mabigyang halaga ang pangangailangan ng mga mamamayan lalo na ang mga mahihirap.

Read More:  Pulong Duterte says Marcos won because of VP Sara

Sa huli, imuling ipinahayag ng mambabatas ang kanyang pagkabahala na tuluyan nang mawala ang totoong ‘representation’ sa party-list system sa bansa.
#