3 Bilibid gang leaders nag-plead guilty sa Percy Lapid slay case

Sinentensiyahan ng hanggang walong taong pagkakakulong ng Las Piñas Regional Trial Court ang tatlong gang leader sa Bilibid matapos umaming tumulong sila sa planong pagpatay sa mamamahayag na si Percy Lapid.

Ayon sa kapatid ni Lapid na si Roy Mabasa, hinatulan ng Branch 254 sina Aldrin Galicia , commander ng Sputnik Gang, Alvin Labra, commander ng Batang City Jail Gang at Alfie Peñaredonda, commander ng HappyGoLucky Gang.

Read More:  Authorities search Angeles subdivision in Bato hunt

Ang guilty plea ng mga ito ay makakatulong sa paggulong ng kaso laban kay dating Bureau of Correction Chief Gerald Bantag na itinuturing na mastermind sa krimen.

Read More:  BOC disposes remaining vehicles linked to Discaya couple

Maaalalang naglabas na ng pabuya ang NBI at DOJ sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon sa kinaroroonan ni Bantag at deputy nitong si Racardo Zulueta.