Maglulunsad ng hiwalay na imbestigasyon ang Department of Justice at National Bureau of Investigation ukol sa madugong operasyon ng PNP sa Maguinadao Del Sur noong June 18 kung saan nasawi ang pitong tauhan ng MILF.
Ito ay alinsunod na rin sa kautusan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Sa pagbisita sa Camp Siongco sa Maguindanao del Norte, sinabi nina Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity Secretary Carlito Galvez Jr. at Special Assistant to the President Secretary Anton Lagdameo Jr. na naiparating na kay Pangulong Marcos ang hiling ng MILF leaders na magsagawa ng independent at impartial investigation.

Ayon kay Galvez, kailangan magkaroon ng patas na pagsisiyasat sa nangyari.
Ikinokonsidera rin aniya ng pamahalaan na ibalik ang third-party monitoring teams.
Iminungkahi rin ng opisyal sa liderato ng AFP at PNP na gumawa ng official report at padalhan nito si BARMM Chief Minister Ahod Balawag Ebrahim.