3 bayan sa Isabela, zero active case ng covid-19

Tatlong bayan sa lalawigan ng Isabela ang walang naitalang aktibong kaso ng COVID-19 ngayong araw, July 14, 2021.

Batay sa datos na inilabas ng Isabela Provincial Information Office, ito ay ang mga bayan ng Dinapigue, Palanan at San Agustin.

Read More:  Doctor robbed by riding-in-tandem suspects in Bacolod

Sa ngayon ay mayroon na lamang 482 ang kabuoang aktibong kaso ng COVID-19 sa lalawigan.

Ngayong araw ay naitala ang 52 new cases, 31 new recoveries at 2 bagong nasawi.

Read More:  14-year-old PWD dies in Cebu house fire

Bagaman may pagbaba na ang kaso sa Cauayan City, nananatiling ang lunsod ang may mataas na active cases na mayroong 50, sinundan ng Maconacon na may 34 cases at City of Ilagan na may 30 cases.