NPA nadakip matapos ang engkwentro sa Masbate, baril at gamit pampasabog nakumpiska

SORSOGON CITY – Hindi na nakapalag pa ang isang kasapi ng New People’s Army (NPA) makaraang madakip ng tropa ng pamahalaan sa Brgy Pulot, Cawayan, Masbate.

Nakilala itong si Jovan Basinillo Suson alias Renan, 21-anyos, binata, magsasaka at residente ng nasabing barangay. Umano’y kasapi ito ng Larangan 2, Komprob 4 sa ilalim ng pamumuno ni Rogelio Suson alias Ka Manong. Commander ng nasabing hukbo.

Si Suson ay isa sa 10 miyembro ng NPA na naka-engkwentro ng tropa ng pinagsanib na puwersa ng Masbate PNP at Phil Army sa nasabing barangay.

Read More:  Aklan SB member’s home attacked in midnight shooting

Ayon sa ulat, pabalik na umano ang mga pulis at sundalo matapos ang isinagawang social awareness on anti-terrorism law nang paulanan sila ng bala ng mga rebelde na nauwi sa 15 minutong palitan ng putok at bago tuluyang tumakas ang mga ito ay nagpasabog pa ng isang IED.

Wala namang naiulat na kaswalti sa tropa ng pamahalaan.

Sa ikinasang hot pursuit operations ay dito na nakorner si Suson na patakas lulan ng kanyang motorsiklo.

Read More:  Two farmers nabbed in fake gold scam, shabu seized

Nakumpiska sa posesyon nito ang isang kalibre 45 na pistola na kargado ng 7 bala, isang holster at gamit na motorsiklo nito na walang plate number.

Samantala sa pinangyraihan ng engkwentro ay narekober ang 7 metro ng electrical wire at iba pang gamit sa paggawa ng IED.

Nasa kustudiya na ng Cawayan Police ang suspek at mga nakumpiskang ebidensya para sa pagsasampa ng kaso.