Mahigit 300, candidate soldiers ng 5ID inumpisahan na ang military training

Sinimulan na ng nasa 326 candidate soldiers ng 5th Infantry Division Philippine Army ang kanilang military training kahapon, July 13, 2021.

Mula sa naturang bilang 84 dito ang mula sa probinsya ng Isabela, 83 ang mula sa Cagayan, 80 ang mula sa Kalinga, 18 sa Mt. Province, 17 sa Ifugao, at 9 sa Apayao.

Mayroon namang tig-lima ang galing sa probinsya ng Quirino at Nueva Vizcaya, 4 sa Nueva Ecija, tig-tatlo sa North Cotabato at Ilocos Norte; tig-dalawa ang mula sa Tarlac at La Union, at tig-isa naman ang mula sa Ilocos Sur, Cavite, Bukidnon, Bataan, Bulacan, and Zamboanga Del Sur.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Sa mensahe naman ni MGen Laurence Mina, Commander ng 5ID na sa pamamagitan ng naturang training ay mahahasa ang kanilang mga kakayanan at ganap na maihanda sa serbisyo na kanilang tinahak.

Binigyang diin din ng heneral sa mga kandidatong sundalo na isa sa importanteng dapat matutunan ng mga ito ay ang kanilang pag-uugali o attitude sa serbisyo at kanilang kasamahan.

Read More:  18 street vendors selling soap along Cebu roads brought to police station

Ayon sa kaniya mainam na pag-igihan ng mga ito ang pagsasanay dahil ito ang kanilang pundasyon sa pagiging professional at world class soldiers.

Umaasa rin ito na matatapos ng mga candidate soldiers ang training at mapabilang sa hanay ng Startrooper Enlisted Personnel.

Nagpasalamat naman si MGen. Mina sa mga magulang at mahal sa buhay ng mga candidate soldiers sa suporta para sa kanila bagaman hindi na nasaksihan ng mga ito ang Opening Ceremony and Reception Rites dahil sa umiiral na protocols sa COVID-19 pandemic.