3.5 million seedlings, target maitanim sa Bicol Region

BNFM BICOL – TARGET ng Department of Environment Natural Resources o DENR-Bicol na makapagtanim ng mahigit tatlong milyong mga seedlings na bahagi ng kanilang Enhanced National Greening Program.

Kinabibilangan ito ng iba’t ibang mga species o uri ng puno na itatanim sa mahigit dalawang libong ektaryang forest areas sa anim na mga probinsya sa rehiyon.

Gugugulin umano ang una at ikalawang kwarter ng taon sa seedlings production habang target na masimulan ang pagtatanim kasabay ng pagsisimula ng tag ulan o rainy season sa ikatlo at ika-apat na kwarter o sa mga buwan ng Hulyo hanggang Disyembre.

Kaugnay nito, binigyang diin ng ahensya na ang pagpreserba at pangangalaga sa kalikasan ay hindi lamang obligasyon ng DENR, kundi ng bawat mamamayang Pilipino.

Ang Enhanced National Greening Program ay may kaugnayan pa rin sa pagdiriwang ng Philippine Environment Month ngayong Hunyo na may temang “Our Environment, Our Future.” ###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *