Mahigit P8M na halaga ng ilegal na droga, narekober sa mga ikinasang police ops sa Bicol noong Mayo

BNFM BICOL – AABOT sa 122 na mga drug suspect at mahigit walong milyong pisong halaga ng droga ang nakumpiska sa mga ikinasang operasyon ng pulisya sa iba’t ibang panig ng rehiyon.

Kabilang sa nakumpiska ang mahigit 78 gramo ng marijuana at mahigit 1,100 gramo ng shabu habang pawang mga street-level individuals ang naarestong drug suspects.

Read More:  P136-M shabu hidden in Chinese tea bags seized in Cebu

Samantala, 407 na mga wanted persons din ang matagumpay na nalambat ng pulisya sa Bicol kung isa ang national level, 12 angregional level, pitong provincial level, siyam na city level, 61 sa municipal at station level, at 317 iba pa na mga wanted individuals.

Read More:  CCTV records alleged abduction in Cebu City

Tiniyak naman ni PRO-5 Director Brig. Gen. Andre Dizon na patuloy ang kanilang hanay sa pagtupad sa kanilang mandato na pagtitiyak ng seguridad at kaayusan sa bawat komunidad sa bansa. ###