Lalake viral online matapos niyang yakapin ang bumisitang boyfriend ng kanyang anak na lalaki

Viral ngayon sa social media ang video kung saan niyakap ng isang tatay ang bumisitang boyfriend ng kanyang na anak na lalaki.

Ayon kay Paul John Sarmiento sinundo niya ang kanyang boyfriend sa Bulacan, nang umuwi sila sa bahay ay nagulat na lamang sila ng makita ang kanyang ama at nanay na nasa gate ng kanilang bahay.

Sinabi ni Paul na galing sa eskwelahan ang kanyang boyfriend na college student.

Paglilinaw din ni Paul simula ng mag-out siya ay suportado na siya ng kanyang mga magulang lalo na ang kanyang Tatay at suportado rin nito ang kanyang relasyon sa kanyang nobyo.

Lubha namang nagpapasalamat si Paul sa kanyang mga magulang lalo na sa kanyang ama na suportado ang kanyang gusto.