29 na LGUs sa Camarines Sur nakapag pay-out na sa SocPen

NAGA CITY – Natanggap na ang mga kuwalipikadong senior citizens sa 29 na lokal na pamahalaan sa Camarines Sur ang kanilang social pension mula Enero hanggang Hunyo para sa taong ito na na nagkakahalaga na tig-isang libong piso bawat buwan, nangangahulugan na ang mga benipisyaryo ay may natanggap na tig-anim na libong piso.

Epektibo na ang karagdagang limang daang piso bawat buwan para sa mga lolo at lola batay sa Republic Act 11916, o Social Pension for Indigent Senior Citizens Act, na naaprobahan noong pang July 2022.

Sa pahayag sa BNFM-Naga sinabi ni Julie Anne Osabel ng DSWD-Camarines Sur na tanging ang Naga City, at ang tatlo pang bayan sa lalawigan ang hindi pa nakakatanggap na kinabibilangan ng Pili, Minalabac at Caramoan. Sinabi niyang ngayong July ay ire-release na rin ang pondo para sa apat na lugar dahil downloaded na rin naman ang pondo para sa mga ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *