Rider at angkas nito, patay matapos mabangga ng SUV ang sinasakyang motorsiklo.

Patay ang isang rider at angkas nito matapos mabangga ng SVU ang kanilang sinasakayng motorsiklo sa Barangay Poblacion 1, GMA, Cavite.

Kinilala ng mga awtoridad ang nasawing driver na si Danlie Barbuco at ang angkas nitong si Daisy Duaso, habang kinilala naman ang driver ng SUV na si Jesus Prelligera.

Batay sa report, Binabagtas ng motorsiklo ang naturang kalsada nang bigla na lamang silang mabangga ng SUV.

Nagtamo ng malalang pinsala sa kanilang mga katawan ang dalawa, na kaagad isinugod sa pinakamalapit na ospital, ngunit kalaunana ay binawian din nang buhay.

Sa ngayon ay hawak na ng mga awtoridad ang driver ng SUV at handa nang pagbayaran ang pagkamatay ng dalawa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *