28 patay sa mass shooting sa loob ng simbahan sa Nigeria

Patay ang 28 tao matapos ang mass shooting sa isang simbahan sa southwestern Nigeria.

Ayon sa report, nilusob ng mga armadong suspect ang St. Francis Catholic Church sa Owo city kung saan agad na namaril ang mga ito.

Read More:  139 migrants, including 15 children, dead after boat capsizes off Djibouti

Wala pang matukoy na malinaw na motibo sa pagsalakay ng mga suspect na sinasabing sakay ng motorsiklo.

Sinabi ni Ondo Governor Arakunrin Akeredolu na na-shock sya sa nangyari na tinawag niyang Black Sunday sa Owo.

Read More:  Pope Leo XIV rests well as he recovers from lung surgery

Binigyang diin niya na maituturing na satanic attack ang ginawa ng mga suspect laban sa mga peace-loving people ng Owo na payapa naman sa mga nakalipas na taon.