Putin nagbantang papalawigin pa ang sasalakaying bahagi sa Ukraine

Nagbabala si Russian President Vladimir Putin na mas palalawakin pa nila ang sasalakaying bahagi ngb Ukraine kapag pinadalhan ito ng long-range weapons ang Kyiv.

Ang babala ay kasunod ng bagong pagsabog sa ilang part ng Kyiv matapos ang ilang linggong katahimikan sa lungsod.

Ayon sa Russia, tinamaan sa pag-atake ang tangke na isinuplay ng European countries pero sinabi ng Ukraine na tumama ang bomba sa railway repair plant.

Matatandaan na maraming bansa ang nangakong magpapadala ng advanced weapons sa Kyiv sa gitna ng pag-atake ng Russia sa Donbas region at iba pang bajagi ng Ukraine.

Una nang nangako ang US na magpapadala sila ng M142 High Mobility Artillery Rocket System bagamat may kondisyon ito na hindi dapat gamitin ng Ukraine sa pag-target sa anumang bahagi ng Russia