24 oras nang pagpapabuhos ng tubig sa ilan pang konsumedor, hindi pa maipapangako ng MNWD

NAGA CITY – Hindi pa maipapangako ngayon ng Metropolitan Naga Water District, sa mga konsumedor lalo na sa mga apektadong barangay at bayan, ang 24 oras nang pagpapabuhos ng tubig, kung saan muling ipinananawagan na mag-imbak lagi ng tubig.

Sa panayam kay Choppy Dela Cruz, Spokesperson ng Water District, hanggang ngayon kasi ay hindi pa nakakabawi ang mga spring water source, ang Anayan at Rumangrap Spring, kung saan nasa kritikal na level na ang source 1, malapit na rin sa kritikal ang source 2 at 3, na pito hanggang   labing dalawang buwan na lamang ang itatagal ng tubig kung hindi makabawi, na ito ang ayaw nilang mangyari dahil pagnagkataon, mas magiging malala ang problema sa tubig at mas marami ang maaapektuhan nitong konsumedor.

Read More:  Drunk passenger stabs fellow bus rider in Cebu

Kaya ngayon pansamatalang dinadivert ang supply ng source 2 para sa Anayan-Rumangrap o source 3 upang kahit papaano, may tubig pa rin sa mga mas lalong apektado, gaya ng Barangay Del Rosario, Concepcion Grande at Pequeña, Abella, Mabolo, bayan ng Gainza, at iba pang lugar, kasama pa ang pagpapa-ayos ng mga pumping station at pag-inspeksyon sa mga iligal na booster pump na problema rin dahil sa direktang nakakonekta sa tubo ng MNWD na naagawan naman ang iba. Sa huli, tiniyak ng opisina n kaya pang masuplayan ang mahigit 59, 000 na konsumedor at may tubig pa ring bubuhos sa kani-kanilang gripo.    

Read More:  ₱876,800 smuggled cigarettes seized; 3 arrested in Lanao del Norte