Kinansela muna ng Pamahalaang Panlungsod ng San Carlos, Pangasinan ang Gender awareness and development seminar ng ikalawang batch ng mga Sangguniang Kabataan na naka-iskedyul sana ganapin sa isang hotel sa Subic Bay Freeport Zone matapos na isugod sa ospital ang ilan sa mga partisipante ng unang batch kahapon ng hapon dahil sa hinihinalang food poisoning.
Ayon kay San Carlos City Mayor Julier Resuello, nagdesisyon ang LGU na kanselahin muna ang ikalawang batch habang iniimbestigahan pa ang dahilan ng pangyayari.
Kahapon ay nakunan rin ng BNFM ng pahayag ang pamunuan ng hotel at tiniyak na gagawin nila ang kanilang mga responsibilidad at sasagutin ang pangangailangan ng mga biktima.
Samantala, ayon kay SBMA Deputy for Administration for Corporate Communication Armie Llamas, cooperative naman ang pamunuan ng hotel sa imbestigasyon at nagpadala na rin ng food samples sa Department of Health habang ang water sample naman ay sa Subicwater para ma-test at malaman kung ano ba talaga ang dahilan.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO